FREQUENTLY ASKED QUESTIONS sa bagong PAYROLL ACCOUNT sa UNIONBANK (UBP)
Maaari mo itong ipagpatuloy gamitin bilang iyong savings account. Pumunta lamang sa pinakamalapit na BPI branch at ipagbigay-alam ang tungkol dito. Ang BPI savings account ay mayroong Php 3,000 na maintaining balance.
Upang maiwasan ang anumang problema, i-withdraw na ang natitirang laman ng iyong account. Ito ay magiging dormant kung walang naging transaksyon sa loob ng dalawang (2) taon.
Hindi mo na kailangan ibigay ang iyong ATM card sa HR o sa BPI branch, maaari mo na lamang ito itago.
Upang mapanatili ang seguridad ng iyong bagong account, baguhin ang PIN nito sa pinakamalapit na Unionbank ATM.
Lahat ng employees na natanggap na ang UBP ATM card ay sasahod sa kanilang UBP account simula sa July 10 payroll. Ang mga wala pang ATM cards ay sasahod sa kanilang UBP account sa July 25 payroll. Hangga't wala pa sa inyo ang inyong UBP ATM card, sa dating account pa ang inyong sahod ipapasok.
Hindi na kailangan ng maintaining balance sa iyong UBP payroll account.
Oo, maaari kang magwithdraw sa ibang ATM hanggang APAT (4) na beses sa loob ng isang (1) buwan nang walang bayad. Paalala na ito ay sa bawa't transaksyon, nangangahulugan na kasama sa apat (4) na beses ang ibang paggamit ng feature sa ATM gaya ng balance inquiry.
Oo, ito ay may bayad na. Kapag sumobra na sa apat (4) na beses sa loob ng isang (1) buwan, magkakaroon ng service charge na Php 10 hanggang Php 12.
Oo, maaaring mag-deposit sa inyong UnionBank account bukod sa payroll.
Additional information: https://www.unionbankph.com/online/faqs.html